a•rì 1: anumang hawak o nása pag-iingat ng isang tao o samahán 2: natatanging karapatan upang ingatan, angkinin, tamasahin, o ilipat ang isang bagay o pook 3: bahagi ng katawan ng tao at hayop na ginagamit ukol sa reproduksiyon
a•rì : gaya sa maaari, may kakayahang mangyari, matupad, o mabuo kung ipahihintulot ng kalikasan, kaugalian, batas, o pagkakataon
Aries (ár•iz) 1: konstelasyon sa Hilagang Hemisphere na nása pagitan ng Pisces at Taurus 2: a unang tanda ng zodyak (21 Marso-19 Abril) b tao na isinilang sa petsang nakapaloob sa tandang ito