a•ri•hán : kagustuhang makipagpagalíngan sa iba sa larangan ng pananamit, kaalaman, kayamanan, at katulad
a•ri•ken•kén : patulâng pagtatálo ng babae at ng laláki, karaniwang pinagtatalunan kung iibig ba sa binata ang babae
a•ri•má•ta 1: mahabàng kawayan na pinapasan ng dalawang tao upang buhatin ang bagay o bató 2: isang uri ng palay 3: pinggá
á•ri•mu•hán 1: mapagkuha ng isang bagay o bagay-bagay kahit hindi kapanipakinabang 2: pinipilì para makatipid kahit hindi masyadong mahal o mahalaga