ascorbic acid (ey•skór•bik, a•skór•bik• á•sid) : bitaminang matatagpuan sa mga bungangkahoy na sitrus at berdeng gulay, mahalaga upang maiwasan ang scurvy
a•sé•bo : anuman sa mga punò o palumpong (genus Ilex) na may makintab at matinik na dahon, maliit at putîng bulaklak, at puláng berry
a•se•dé•ra : isang uri ng halaman (Rumex acetosa) na ginagamit bilang pampalasa dahil sa maasim na lasa nitó
a•sek•su•wál 1: walang sex o organong seksuwal 2: sa reproduksiyon, walang pagsasanib ng sperm at ovum 3: walang seksuwalidad
a•se•le•ras•yón 1: proseso ng pagpapabilis o pagpapatulin 2: sa sasakyan, kakayahang maging mabilis o matulin ang takbo 3: rate ng pagbabago ng velosidad sa bawat yunit ng oras