ar•yá 1: paglalawit ang lubid, talì, o katulad 2: pagpalò o paghampas upang itaboy 3: pagtuloy sa isang balakin 4: abánte1 5: pagtatanggol o pagbabawal
ár•yap : pagpapausok o pagbomba ng gamot upang puksain ang mga kulisap tulad ng ipis, langgam, at iba pa
ar•yé•te : matandang kasangkapang militar na may bakal na ulo at ginagamit na pambayó upang sapilitang buksan ang makapal na pinto ng isang moog o palasyo
ár•yos : punongkahoy (Podecarpus costalis) na laging-lungti at may bungang kasinlaki ng seresa; tinatawag na punongkahoy ng Batanes
á•sa 1: pakiramdam na posible ang ninanais o magiging maayos ang lahat 2: paghihintay sa mangyayari o dáratíng