á•si•dó : anumang substance, karaniwang maasim, may atom ng hydrogen, at ginagawang pulá ang papel na litmus kung may reaksiyon
á•si•ló 1: proteksiyon, lalo na para sa kriminal 2: institusyong nagkakaloob ng kanlungan at tangkilik sa mga erehe at nagigipit na tao
a•si•mi•las•yón 1: pagtanggap at ganap na pag-unawa sa impormasyon, idea, o kultura 2: pagsasanib ng ugali at kaisipan ng isang tao upang pumaloob sa isang higit na malaking lipunan o kultura 3: pagsasalin ng sustansiya ng pagkain upang pakinabangan ng katawan 4: pangkalahatang nutrisyon ng haláman