ás•no : alinman sa mga hayop (genus Equus) na maliit sa kabayo, mahabà ang tainga, at matibay sa pagdadalá ng kargada
á•so : inaalagaan at karniborong mammal (Canis familiaris) na karaniwang may mahabàng nguso, matalas na pang-amoy, at nakatatahol at umaalulong; inaalagaan din para sa pagtatrabaho o sa ilang uri ng isports