atomic number (a•tó•mik nám•ber) : bílang ng mga positibong karga o proton sa nukleus ng atom ng isang element, samakatwid, bílang ng mga elektron na karaniwang nakapaligid sa nukleus
a•tó•mi•kó 1: may kinaláman sa o gumagamit ng enerhiyang atomiko, a•tó•mi•ká kung pambabae 2: hinggil sa atomo 3: napakaliit; maliit na maliit 4: hindi maaaring analisahin
a•to•mís•mo 1: teorya na binubuo ng napakaliit at indibidwal na bahagi ang lahat ng bagay 2: teorya na binubuo ng mga saligang yunit ang kalagayan ng isip 3: doktrinang nagpapaliwanag ng pormasyon ng mundo dahil sa pagkakatipon ng atomo
a•tór 1: silid tulugán ukol sa mga laláki 2: organisasyong sosyo-politiko ng kalalakihan 3: pulong ng mga mag-anak para sa kapakanan ng pamayanan