at•su•wé•te 1: punongkahoy (Bixa orellana) na may bungang hugis kapsula, naglalamán ng butóng may sapal na pulá, at ginagamit na pangkulay sa pagkain at iba pa 2: tawag sa mga butó nitó
attache (at•a•syéy) : tao na hinirang upang maging tauhan o kagawad ng embahador, karaniwang may natatanging larangan ng aktibidad
attend (a•ténd) 1: dumalo 2: pumunta nang regular 3: maglingkod; magsilbi 4: mag-alaga 5: ituon ang pansin 6: intindihin; asikasuhin
attic (át•ik) 1: pinakamataas na palapag ng bahay, karaniwang nása ilalim ng bubungan 2: silid sa gayong bahagi ng bahay