au naturel (ow na•tu•rél) 1: hiláw1 2: nilutò sa pinakanatural o pinakasimpleng paraan 3: sa likás na kalagayan 4: lastág
au pair (ow péy) : kabataang dayuhan, lalo na kung babae, tumutulong sa gawaing bahay kapalit ng úpa sa kuwarto, pagkain, at iba pa, upang makapag-aral
aura (ór•a) 1: natatanging atmospera o sitwasyon na likhá ng isang tao, pook, at iba pa 2: pinong emanasyon na nakikíta bílang pabilóg na liwanag na bumabálot sa isang buháy na nilikha; sinag sa ulo 3: pinong aroma ng bulaklak 4: babalâng sintomas ng epilepsi
auricle (ór•i•kél) 1: maliit na súpot ng lamán sa dayag ng bawat atrium ng puso; ang mismong atrium 2: panlabas na tainga ng hayop 3: anumang ikinakabit na hugis tainga
aurora (aw•ró•ra) : baging (Ipomea purpurea), lungti ang dahon, at lila, bughaw, pink, o putî ang bulaklak na hugis kampana; katutubò sa Amerika
Australasia (os•tre•léy•zya) : rehiyong binubuo ng Australia, New Zealand, New Guinea, at mga kalapit na isla sa Pasipiko
Australia (os•tréyl•ya) 1: kontinente sa timog silangan ng Asia, nása pagitan ng Dagat India at Pasipiko; pinakamaliit na kontinente 2: bansang binubuo ng kontinenteng ito at Tasmania
Australian (os•tréyl•yan) : may kaugnayan sa Australia, sa mga mamamayan nitó, at sa kanilang wika at kultura
Australopithecus (os•tra•lo•pí•ti•kús) : extinct na genus ng homonid na may maliit na utak, malalakíng ngipin, at may dalawang paa na nanirahan sa Africa isa hanggang apat na milyong taon na ang nakararaan