Austrian (ós•trey•án) : may kaugnayan sa Austria, sa mga mamamayan nitó, at sa kanilang wika at kultura
autarky (ó•tar•kí) 1: kasapatan sa sarili, lalo na bílang sistema ng ekonomiya 2: estadong pinamamahalaan ayon sa sistemang ito
auteur (aw•tér) : direktor ng pelikula, kinikilálang manlilikha ng pelikulang idinirihe niya dahil sa kaniyang malakíng impluwensiya rito
autobiography (ó•to•bay•óg•ra•fí) 1: talambúhay ng isang tao na siya rin ang sumulat 2: proseso ng pagsulat nitó
auto de fe (áw•to de fé) 1: parusang gawad ng Ingkisisyong Espanyol 2: pagpapatupad ng gayong parusa, gaya ng pagsunog sa erehe