automata (aw•tó•ma•tá) 1: teknik, metodo, o pag-andar ng mga kasangkapang awtomatiko at de-koryente 2: tao na monotono ang pagkilos 3: anumang gumagalaw nang awtomatiko
automated teller machine (o•to•méy• ted tél•er ma•syín) : mákináng tumatanggap ng deposito at naglalabas ng cash
Autonomous Region in Muslim Mindanao (o•tón•o•mús rí•dyon in mús•lim min•da•náw) : rehiyon sa Filipinas na binubuo ng mga probinsiyang Muslim, ang Basilan, Lanao del Sur, Maguindanao, Tawi-tawi, at Sulu
avalanche (áv•a•lánts) 1: ragasa mula sa bundok ng niyebe, yelo, lupa, bató, at katulad 2: dagsa o pagdagsa ng alinmang bagay
a•váng : pinakamalakí sa mga tradisyonal na sasakyang-dagat; karaniwang ginagamit na pangkalahatang tawag sa mga sasakyang-dagat