- acetabulum (a•si•táb•yu•lúm)png | [ Ing ]1:socket sa butó ng balakang2:organong pansipsip ng mga bulate at katulad na hayop
- acetal (as•í•tal)png | Kem | [ Ing ]1:walang kulay na likido (C6H14O2), may pinagsámang acetaldehyde at ethyl alkohol, ginagamit na sangkap sa paggawâ ng pabango, at nagsisilbi ring solvent2:alinman sa pangkat ng aldehyde na may alkohol
- acetaldehyde (a•si•tál•di•háyd)png | Kem | [ Ing acetic+aldehyde ]:walang kulay at masiklab na likidong aldehyde at may kimikong pormula CF3CHO
- acetate (ás•i•téyt)png | Kem | [ Ing acetic+ate ]:salt o ester ng asidong acetic, lalo na ang cellulose ester na ginagamit sa paggawâ ng tela, gramaphone record, at iba pa
- acetic (a•sé•tik)png | Kem | [ Ing ]:acetic acid
- acetic acid (a•sé•tik á•sid)png | Kem | [ Ing ]:malinaw na likidong asido (CH3COOH) na nagbibigay ng maasim na panlasa sa sukà
- acetone (ás•i•tón)png | Kem | [ Ing ]:likido (CH3)2CO) na walang kulay, natutunaw sa tubig, nagliliyab, karaniwang ginagamit bílang solvent, at matatagpuan sa pintura at barnis
- acetylide (a•sé•ti•láyd)png | Kem | [ Ing ]:anumang compound mula sa acetylene matapos mapalitan ng metal, hal silver acetylide, ang isa o ang kapuwa hydrogen atom
- acetylsalicylate (á•si•tíl•sa•lí•si•léyt)png | Kem | [ Ing ]:salt o ester ng aspirin
- Achaea (a•kéy•a)png | Heg | [ Gri Ing ]:sinaunang rehiyon sa Gresya
- Achaean (a•kéy•an)pnr | Ant Heg Lgw | [ Gri Ing ]:may kaugnayan sa Achaea, sa mga mamamayan nitó, at sa kanilang wika at kultura
- achievement (a•tsív•ment)png | [ Ing ]1:anumang naabot o natapos2:marka sa istandard na pagsusulit
- Achilles (ak•íl•lis)png | Mit | [ Gri ]:pangunahing bayaning Griyego sa Iliad, kinikilálang pinakamahusay na mandirigma
- achondroplasia (ey•kon•dro•pléy•zya)png | Med | [ Ing ]:hindi normal na pagtubò ng kartilago na nagiging sanhi ng labis na pagiging pandak ng mga hayop kabílang na ang tao
- achromatic (ak•ro•mát•ik)pnr | [ Ing ]:nagpapadaloy ng liwanag nang hindi naibubukod ang bawat kulay na sangkap nitó
- acid rain (ás•id réyn)png | [ Ing ]:tubig-ulan na may acid sanhi ng polusyon sa hangin