acknowledgement (ak•nól•idz•mént) 1: pagkilála4 2: bagay na ibinibigay o kilos na ginagawa kapalit sa isang serbisyo 3: pasalámat o pagpapasalamat
acoustic (a•kús•tik) 1: katangian ng isang kulób na pook, gaya ng awditoryum, para magpabalandra ng tunog túngo sa malinaw na pakikinig 2: sa instrumentong pangmusika, walang amplipikasyong pang-elektrika
Acquired Immune Deficiency Syndrome (ak•wáyrd im•yún def•í•syen•sí sín•drom) : sakít sa sistemang pandepensa sa katawan sanhi ng HIV
Acrux (ey•krúks) : panlabindalawang pinakamaliwanag na bituin sa langit, pinakamaliwanag sa konstelasyon ng Crux, nakikíta lámang sa dakong timog ng hemisphere
acrylic (a•kríl•ik) : kagamitan sa pagpipintura, ginagamit din sa pagpipinta ng bahay, kotse, at iba pa
Acta de Tejeros (ak•tá de te•hé•ros) : kasulatang nilagdaan noong 1897 ni Andres Bonifacio at nagpapawalang-bisa sa halalan ng mga opisyal na ginanap noong 22 Marso 1897 sa Kumbensiyong Tejeros
Acteon (ak•te•ón) : sa mga Griyego, isang mángangáso na naging usá nang mapagmasdan niyang naliligo si Artemis, at hinabol at kinain ng sarili niyang mga áso