academe (ák•a•dím) 1: pook para sa pag-aaral at pagtuturò 2: kolektibong tawag sa mga pamantasan 3: komunidad ng mga guro at iskolar
acalypha (a•ka•lí•fa) : palumpong (Acalypha wilkesiana) na matingkad ang lungting dahon at tumataas nang 3 m
Acapulco (a•ka•púl•ko) : Acapulco de Juarez ang buong pangalan, isang daungan sa katimugang Mexico sa Pasipiko
accelerometer (ak•sel•e•róm•i•tér) : kasangkapang pansukat ng aselerasyón ng isang gumagalaw na bagay
access (ák•ses) 1: daan sa pagpunta o pagpasok sa isang pook 2: paglapit o paraan ng paglapit sa isang tao 3: karapatang makapasok o makadalaw 4: karapatan sa paggamit o paghiram 5: paraan ng pagkuha ng datos o file