a•gu•hò, a•gu•hô : tuwid at laging-lungting punongkahoy (Causirina equisetifolia) na 30 m ang taas, , may mga tíla karayom na munting sanga na 30 sm ang habà, at dahil sa masinsin at magkakadugtong na munting sanga ay may anyong tíla punò ng pino
á•gung 1: nakabiting gong, may bilóg na umbok sa gitna, malapad ang gilid, at pinapalò ng patpat upang tumunog 2: tunog ng gong 3: ilóng