ag•ras•yá•da 1: estudyanteng pinapag-aaral nang libre, ag•ras•yá•do kung laláki 2: tao na kaakit-akit
ag•res•yón 1: marahas na pagkilos ng isang estado sa kapuwa estado, lalo na ang paglusob sa ibang teritoryo 2: pandadahas1
ag•ro•no•mí•ya : sangay ng agrikultura na may kinaláman sa simulain, batas, gawain, o pangangasiwa sa lupang taníman