a•gu•sá•his 1: damong 1-3 m ang taas, ginagamit ang butil bílang panghalili sa bigas ng mga taga-Camarines at Ilocos 2: isís
a•gu•sá•is : damong (Setaria palmifolia) hugis espada ang dahon na may habàng 40 sm at 60 sm ang lapad, at karaniwang ginagawang palamuti
a•gú•san 1: túbo, kanal, o katulad na nadadaanan ng tubig at anumang likido 2: pook na daánan ng tubig