á•hon 1: kilos mula sa ibabâ paitaas 2: paglunsad ng sasakyang pantubig 3: biyahe mula sa bayan patúngo sa nayon 4: pag-alis mula sa pagkababad sa tubig kung lumalangoy 5: tubós2
aikido (ay•kí•dow) : uri ng martial art at self-defense o paraan ng pagtatanggol sa sarili sa pamamagitan ng mahigpit na paghawak sa galáng-galángan, kasukasuan, o siko ng kalaban upang maitumba o mapigil ang kilos nitó
aircondition (éyr•kon•dí•syon) : lagyan ng aparato para sa paglinis ng hangin at pagkontrol ng temperatura ang isang silid o gusali