airfoil (eyr•foyl) : estruktura na may mga kurbadong rabáw at idinisenyo upang magdulot ng pinakapaborableng ratio ng akyat kaysa hatak sa pag-imbulog; ginagamit na batayang anyo ng pakpak at buntot ng mga sasakyang pang-himpapawid
airfreight (éyr•freyt) 1: paghahatid ng kargamento sa pamamagitan ng eroplano 2: ang singil o bayad sa ganito
air letter (eyr lét•er) 1: sulat na ipinapadalá sa pamamagitan ng eroplano 2: manipis at magaan na papel na ginagamit sa paggawâ nitó
airlift (éyr•lift) : sistema ng paghahatid ng tao o kargamento sa pamamagitan ng eroplano, karaniwang túngo o mula sa isang mahirap máratíng na pook
airline (éyr•layn) 1: sistema ng transportasyong panghimpapawid 2: kompanya para sa ganitong serbisyo
air mail (eyr meyl) 1: sistema ng paghahatid ng liham sa pamamagitan ng sasakyang panghimpapawid 2: liham na inihahatid sa pamamagitan ng sistemang ito