- á•kabpng1:paraan ng pagtanggal ng hangin sa lamán sa pamamagitan ng bentósa2:kalagayan ng pagiging lápat3:uka sa gilid ng kahoy4:bútas o siwang sa tagiliran, gaya ng sa sasakyang-dagat5:tibág sa isang malakíng bató o sa pasigan ng isang ilog ,6:[Seb] ngatngát
- a•ka•dé•mi•kópng | [ Esp academica ]:guro o iskolar sa isang unibersidad o institusyon para sa mas mataas na edukasyon
- a•ka•dé•mi•kópnr | [ Esp academica ]1:hinggil sa edukasyon at iskolarsip2:hinggil sa akademya3:sa isang institusyon o pag-aaral, nagbibigay ng higit ng pagpapahalaga sa pagbabasá at pag-aaral kaysa teknikal o praktikal na gawain4:sa tao, may malalim na interes o nagpapamalas ng kahusayan sa mga gawaing pang-edukasyon5:sa likhang-sining, kumbensiyonal, lalo na sa paraang ideal o labis na pormal
- a•ka•dém•yapng | [ Esp academia ]1:pook para sa pag-aaral o pagsasanay sa isang espesyal na larang2:lipunan o institusyon ng mga kilaláng iskolar, artist, o siyentista na naglalayong palaganapin at panatilihin ang pamantayan sa isang tiyak na larangan3:
- ak-ákpng1:[ST] palakihin sa pilit ang halaman o pahinugin sa pilit ang prutas2:huni ng uwak
- ák-akpng1:[ST] putók o malakíng biyak sa haligi o poste2:[ST] kumuha ng kamoteng kulang pa sa panahon3:[Seb] langitngit ng binibiyak na buhô o kawayan4:[Ilk] bosyò
- a•ka•ku•ra•yátpnd | [ Pan ]:magtiyád o tumiyad
- á•kalpng1:[ST] pagguhò ng lupa2:[ST] pagiging walang pitagan3:[ST] alimpuyo ng tubig4:[Mrw] bálak1
- a•ká•lapng | [ ST ]:pagtantiya sa anumang bagay
- a•ka•púl•kopng | Bot | [ Esp acapulco ]:maliit na palumpong (Cassia alata) na mahabà ang dahong pabilóg sa dulo at dilaw ang bulaklak, katutubò sa tropikong Amerika at ipinasok sa Filipinas noong panahon ng Espanyol