a•la•ga•dí•so : punongkahoy (Annona spinescens) na may bungang hugis puso, mapusyaw na kulay kahel at pulá, maraming butó
a•la•gáw : punongkahoy at halámang medisinal (Premna odorata blanco), balahibuhin ang ibabaw ng dahon, mapusyaw na lungti hanggang putî ang bulaklak, at nabubúhay sa aplaya
a•la•gáw-gú•bat : palumpong na tumataas nang hanggang 4 m, magkakatapat ang dahong makinis at hugis puso