a•la•gú•kay : uri ng alimango na dalandan ang kulay, lumalakí nang halos 2-3 m, at naninirahan sa mga lungga sa dalampasigan
a•lág•wak 1: tunog ng kumakalam na sikmura 2: tunog na nalilikha ng paang nalulubog sa putik 3: bahagyang paglakí ng tubig sa dagat
a•la•há•do : magkapantay ang magkabilâng mukha sa rabáw ng dalawang tabla o ng kahit anong materyales
a•la•hán 1: palumpong o maliit na punongkahoy na abuhin, batík-batík at makinis ang balát, at may ugat na nagagamit bílang gamot 2: pagdurusa hábang humaharap sa nalalapit na kamatayan 3: kabyáwan1
á•lak 1: anumang inúming mata-pang at nakalalasing, gaya ng bási, vino, serbesa, at whisky 2: pagpapaalab ng apoy sa pamamagitan ng mga tuyong dahon 3: tawag sa yantok na malakí at matigas kayâ mahirap ibuhol
a•la•ká•ak 1: katamtaman ang lakíng isdang-alat (family Sciaenidae), may pabilog na ulo at katawan 2: palumpong na lumalakí nang may 80 sm diyametro
a•lak-ák : ibong mandaragit (Ichthyophaga ichthyaetus) na kauri ng banoy at may namamayaning kulay na abuhin sa balahibo at bagwis, malimit na natatagpuan sa mga tubigan at isda ang pagkain
a•lák-a•lá•kan 1: alak na ginaya lámang ang orihinal; mababàng uri ng alak 2: panloob na kurba sa hugpungan ng binti at hita; likod ng tuhod