a•la•bás•tro : pinong butil ng gypsum, putî, naaaninag, at sangkap sa paggawâ ng mga pigurin, base, at katulad
a•lá•bat 1: palababahan na karaniwang inilalagay sa pintuan upang magsilbing harang sa batàng nagsisimulang maglakad 2: pamamaraan upang matutong lumakad ang batà sa pamamagitan ng pagkapit dito 3: tagdan na may banderola sa tuktok
a•lab•wáb 1: putik na malapot at madulas o anumang substance na may katulad na anyo 2: lupang mabuhangin
A•la•dín : tauhan sa Florante at Laura, anak ng hari ng Persiya, kasintahan ni Flerida, at nagligtas kay Florante sa gubat
a•lá•dog : ibon na may abuhing balahibo at ang huni nitóng “ka a at, ka a at” ay babalâ ng paparating na bagyo