a•li•má•ngong-ba•kú•nog : alimangong may krus sa ibabaw ng talukab, mabalahibo, matingkad ang kulay ng balát, at may lason ang lamán kayâ hindi nakakain
a•lim•ba•yáw 1: habol ng tingin hanggang mawala sa tanaw ang isang tao na umalis 2: balísa1-3 3: paghahambíng ng sarili sa iba alinsunod sa kayamanan, atbp
a•lim•bu•káy 1: pag-ilandang ng tubig dahil sa pagsagwan 2: salpok ng alon; pagtaas at pag-babâ ng alon ng tubig sa gitna ng dagat 3: pagkaramdam ng hilo o lulà 4: galaw ng mga membrane sa abdomen 5: halámang baging na kulay abo ang bunga