a•lim•páy : palumpong (Croton caudatus) na may dahong maaaring ipantapal sa namamagâ o sumasakít na bahagi ng katawan
a•lim•pa•yá•wan : ibong kapamilya ng tordo (Copsychus luzoniensis luzoniensis) na putî at itim ang balahibo at humahabà nang 180-185 mm, karaniwang kumakain ng kulisap