ba•nú•yo : malaking punongkahoy (Wallaeceodendron celebicum) may maliliit na putîng bulaklak at bungang bayna na 15 sm ang habà, katutubò sa Filipinas
ban•ya•gà 1: tao na isinilang o mula sa isang bansa na iba sa kapuwa niya 2: hindi mamamayan ng bansa
ban•yá•ga 1: masamâng tao 2: tao na nagpupunta sa mga bayan-bayan, lulan ng kaniyang bangka, at nagtitinda ng maliliit na bagay 3: bahay na maliit at walang kilo
ban•ya•kís : silò na isinusuot sa paa ng isang umaakyat sa poste, punongkahoy, at iba pa upang makaakyat nang mabilis
bán•yan 1: malaking punongkahoy (Ficus benghalensis) na katutubò sa India, nakalawit ang mga sanga na tinutubuan ng ugat 2: mangangalakal na Hindu 3: maluwang na pranelang diyaket, kamiseta, o bestidang isinusuot sa India