ban•tát 1: tubig o alak na may mabahong amoy dahil matagal nakalagay sa tapayan 2: pagkakasakít ng punongkahoy
ban•táy 1: sinumang may tungkuling mangalaga sa isang bagay, tao, o pag-aari 2: bákay1 3: silò na may kawayan na panghúli ng ibon
ban•tá•yan 1: pook ng nagbabantay o pook na binabantayan 2: papag na kawayan at pinaglalagyan sa mga maysakít para maarawan 3: braso ng timbangan, at ganoon din ang inspektor ng mga timbangan
ban•táy-dá•gat : tao, karaniwang sundalo na bahagi ng pangkat na nagpapatupad ng batas sa dagat, sumasagip ng búhay at ari-arian sa dagat, at tumutulong sa nabegasyon
ban•táy-gú•bat : tao, karaniwang sundalo at bahagi ng nangangalaga sa pambansang parke, kagubatan, at bundok
ban•tá•yog : estrukturang mataas, malimit gawâ sa matigas na mater-yales at may eskultura, at itinayô bílang paggunita sa isang makasaysayang pangyayari o isang bayani
ban•tí•lan 1: plataporma o salalay na nása paánan ng hagdanan 2: pook na silungan ng bangka o sasakyang-dagat na hindi ginagamit 3: páligúan na malapit sa pampang ng ilog