ban•ti•láw 1: hindi sapat ang init ng apoy upang makapagluto 2: hindi masinop ang pagkakagawâ ng isang bagay
ban•tíng 1: mababàng punongkahoy 2: piraso ng bato na ipinampapatigas sa layag upang mailaban sa direksiyon ng hangin 3: pagpupugal o paghila
ban•tô 1: paghahalò ng malamig na tubig sa mainit na tubig 2: pagtimpla sa alak kapag ito ay matapang 3: bagong datíng na dayuhan
ban•to•kí : paghalò sa isang lusáw na bagay, sinaunang salita na hindi na ginagamit maliban sa mga tula
ban•tól : maliit hanggang malakí-lakíng uri ng isdang-dagat (family Scorpaenidae) na may malakíng ulo na bukól-bukól at matinik, malakí ang bibig, , at katawan na bukól-bukól ang hugis; lubhang makamandag ang tinik sa mga palikpik