bár•do 1: sinaunang makata at musiko na lumilikha at umaawit ng mga berso, lalo na tungkol sa mga bayani at kabaya-nihan, sa gitna at kanlurang Europa 2: sisne2
ba•ré•ta 1: pabilóg na bakal na patulis ang isang dulo at lapád ang kabilâ, at ginagamit na panghukay ng lupa 2: mahabàng piraso ng sabon
ba•ré•ta de-ká•bra : bareta na may gilit ang kalawit sa isang dúlo, ginagamit sa pagtatanggal ng malalakíng pakò, o pansikwat sa anumang mali ang pagkakabit
bargain (bár•geyn) 1: magtawaran; makipagtawaran 2: tumawad o tawaran 3: magbaratilyo; magbili o ipagbili sa múrang halaga
bargain sale (bár•geyn seyl) : mabilis na pagbebenta ng mga kalakal sa higit na mababàng halaga sa isang takdang panahon