bá•rik 1: yerba (Zingiber zerumbet) na may lamáng-ugat, 2 m ang taas ng tangkay, malago ang dahon, may bulaklak na habilog o silindriko, kulay lungtian o pulá, at tíla kono 2: pag-inom ng alak 3: bálok1
ba•ri•ká•da 1: bagay o estrukturang nagsisilbing harang upang pigilan ang pagpasok o paglabas ng anuman, o bilang gabay sa direksiyon, gaya sa trapiko 2: estrukturang pangharang sa mga kalsada upang hindi makapasok ang mga nagpoprotestang ralyista