ba•yáw 1: bana ng kapatid o pinsang babae; laláking kapatid o pinsan ng asawa 2: tawagan ng mandaragat na hindi magkakakilála kapag namamalakaya
bá•yaw 1: pahinga1-4 2: búhat 3: angat3 4: dasal para sa kapayapaan ng dalawang baryo o dalawang mangangalakal
ba•ya•wís 1: tao na mahirap pakitunguhan, tao na hindi marunong makisáma 2: nása masamâng kalagayan at kailangang maghigpit ng sinturon
bay•báy 1: lupa sa gilid ng dagat 2: wastong pagsunod-sunod ng mga titik sa pagbuo ng mga salita 3: pagtipon sa mga tao, pagpapayo sa kanila 4: pagdayo sa isang pook
bay•bá•yin 1: baybáy1 2: tawag sa sinaunang alpabeto ng mga Filipino 3: kabuuan ng lahat ng titik ng isang wika
ba•yé•ta 1: makapal na pranela 2: sapin na ginagamit sa tipograpiya 3: pelus na itim, líla, o putî na ginagamit na pambalot sa kabaong