billing (bí•ling) 1: paniningil batay sa nakasulat sa papeles 2: pagsasaayos ng pagsulat ng mga pangalan ng mga artista sa kanilang mga karatula sa pelikula
bi•ló 1: bílot 2: paghugis sa minasang harina o galapong upang maging maliliit na bilog 3: pagkakahalò-halò sa isa’t isa
bí•log 1: saradong kurba na may mga panig o bahagi na pantay-pantay ang distansiya mula sa sentro 2: anumang bagay na anyong singsing