bi•lár 1: benda ó kuwintas 2: bagay na ibinilad sa araw upang patuyuin ito 3: pagpapaaraw sa matanda o sa táong giniginaw 4: paghawan ng bukid upang mamatay ang damo
bilateral (bay•lá•te•rál) 1: kaugnay ng, hinggil sa, o may dalawang panig 2: may bisà sa dalawang partido, bansa, at iba pang katulad
bi•lá•wo 1: salaan o bistay 2: pagpapadalá ng maraming pag-kain, minatamis, at alak sa kasintahang babae at sa kaniyang mga magulang sa araw bago ang pagbibigay ng dote 3: isang pamahiin hinggil sa paglalagay ng gunting sa isang salaan upang tukuyin ang magnanakaw
bil•bíl 1: tabâ na umumbok sa pagitan ng dibdib at baywang ng isang tao 2: pagiging manas 3: dobleng babà
bíl•bord 1: sapád na rabaw o board, karaniwang ini-lalagay sa labas at pinagkakabitan ng adbertisment 2: sa telebisyon at radyo, anunsiyo na pampukaw sa interes ng manonood o tapakinig, karaniwan sa simula o dulo ng palatuntunan matatagpuan