bilharzia (bil•hár•zya) 1: uri ng tropikal na bulate (genus Schistosoma) na nagsisimula bílang larvang parasitiko sa daluyang dugo ng tao 2: sakít na dulot nitó
bi•lí 1: pagkakaroon ng karapatang ariin ang isang bagay sa pamamagitan ng pagbabayad sa halaga nitó o pagbibigay ng katumbas na halaga nitó 2: pagbibigay ng karapatang mag-ari kapalit ng katumbas na halaga; pagtitinda 3: halagá2
bí•lik 1: pansamantalang andamyo na nagagayakan sa pagitan ng dalawang bahay kapag may pista o kasalan 2: bahagi ng bulwagan ng isang bahay, nakaungos, at tumutunghay sa harapán o hardin 3: silíd