bi•sí•ta 1: dálaw 2: propesyonal na dalaw, halimbawa, dalaw ng doktor 3: pag-akyat ng lígaw 4: panaúhin 5: siyásat 6: kapilya sa baryo
bi•si•tas•yón 1: dálaw1 o , pagdalaw; pagbisita 2: pagdalaw sa simbahan o sa alagad ng simbahan 3: pagdalaw sa isang pook upang mag-sagawâ ng opisyal na pagsisiyasat o inspeksiyon 4: karaniwang nása malaking titik, pagbisita ni Birheng Maria sa kaniyang pinsang si Isabel 5: pista tuwing ika-2 Hulyo bílang pagdiriwang ng gayong pagbisita 6: kapahamakan o biyayang itinuturing na mula sa Diyos 7: paglitaw o págdatíng ng isang sobrenatural na impluwensiya o espiritu