bis•líg 1: ginto na may walo o labindalawang kilates 2: kalagayan túngo sa pagtigas o pagkabuo 3: matigas ang puso
bís•lot : punongkahoy na tumataas nang humigit-kumulang sa 50 sm, tapat tapat ang dahon na makinis, at putî ang bulaklak
bismuth (bíz•mut) : element na metaliko, malutóng, abu-hin, may bahid ng pulá, at ginagamit sa paggawâ ng gamot at natutunaw na alloy (atomic number 83, symbol Bi)
bis•nág : laro ng kalalakihan kapag naglalamay sa patáy, hinahataw o sinusuntok ang hità ng mga kalahok hanggang umayaw
bís•ta 1: tanawin, lalo na ang makikíta sa mahabà at makipot na abenida o pasilyo gaya sa pagitan ng mga punò, bahay, o katulad 2: gayong pasilyo o abenida, lalo na ang mga pormal na ipinlano 3: pagdinig sa kaso sa hukuman; pagkakataon na maipahayag ang panig o kaso, pakikinig sa mga ebidensiya at apela sa hukuman