blowout (bló•awt) 1: salusalong handog ng isa sa kasáma 2: pagputok ng goma, gaya ng sa awto, bisikleta, at katulad
blue baby (blu béy•bi) : sanggol na ipinanganak na may cyanosis dulot ng depekto sa bagà o puso, na nagiging sanhi ng pangangasul ng balát
blueberry (blu•bé•ri) : maliit na palumpong (genus Vaccinium) na may bungang maliliit, kulay itim bughaw, at nakakain
bluebird (blú•berd) : ibon (genus Sialia) na maliit, kulay bughaw, at matatagpuan sa Hilagang Amerika
bluegrass (blú•gras) 1: damo (genus Poa) na may kulay bughaw na bulaklak 2: uri ng instrumental na country music na nagtatampok ng mahusay na pagtugtog ng gitara, banjo, at iba pa
blueprint (blú•print) 1: potograpikong limbag ng hulíng yugto ng inhinyeriya o ibang plano; putî ang letra at guhit sa bughaw na papel 2: proseso ng paggawâ nitó 3: detalyadong plano sa mga unang yugto ng proyekto o idea