black hole (blak howl) : bahagi o rehiyon sa kalawakan na may napakalakas na grabedad na kahit na ang liwanag ay hindi naka-tatakas; pinaniniwalaang ang pag-guho ng isang bituin ang posibleng dahilan nitó
blackmail (blák•meyl) 1: pamimilit sa tao na sumunod sa gusto sa pamamagitan ng pananakot 2: panghuhuthot o paghingi ng bayad bílang kapalit sa hindi pagsisiwalat ng nakasisiràng impormasyon o lihim 3: anumang kabayarang nakukuha sa naturang paraan
black market (blák már•ket) 1: ilegal na pangangalakal 2: pagbili o pagtitinda ng kalakal na dapat ay nása kontrol ng pamahalaan, kasáma na ang pagbili o pagti-tinda ng dayuhang salapi
blackout (blák awt) 1: pansamantala o tuluyang pagkawala ng paningin, malay, o alaala 2: pagkawala ng koryente o signal ng radyo