blazer (bléy•zer) 1: magaang jaket na matingkad ang kulay o karaniwang asul marino para sa kasuotan ng mga manlalaro 2: jaket na karaniwang pampatong sa damit
bleacher (blít•ser) 1: kemikal na ginagamit sa pagpapaputî o pagpapapusyaw 2: bangkông ginagamit na upuan ng mga manonood sa palaruan
bleeper (blíp•er) : maliit at portabol na kasangkapang elektroniko na tumutunog kapag may mensahe sa may-ari
blén•der 1: sinuman o anumang naghahalò 2: kasangkapang panghalò na may mga talim na tíla propeller sa pinakailalim at pinapaikot nang mabilis ng malakas na motor upang dumurog ng pagkain, gumiling ng kape, maghalò ng inumin, at katulad
bleyd 1: talím 2: espáda1 3: dahon ng haláman, lalo na ng damo o sebada 4: malapad na bahagi ng dahon 5: manipis at sapad na bahagi ng iskeyt na dumudulas sa yelo 6: paypay1 7: sa ponetika, pangunahing bahagi ng dila na madalîng maigalaw at binubuo ng dulo, itaas at ilalim na rabaw, at mga gilid ng dila
blinds (blaynds) : pambintanang pananggalang na natitiklop, nahahawi, o naitataas upang mapigil ang pagpasok ng liwanag
blink (blingk) 1: mabilis at paulit-ulit na pagbukás at pagsara ng matá 2: anumang bagay na ginamit sa ganitong paraan
blinker (blíngk•er) : kasangkapang ginagamit sa paghahatid ng signal, sa paraang tulad ng pagbukás at pagsara ng mata