boric acid (bó•rik á•sid) 1: acid (H3BO3) na putî, kristalina, likás o makukuha mula sa borax, at ginagamit sa paggawâ ng seramika, semento, kristal, enamel, at katulad 2: alinman sa pangkat ng acid na may boron
bor•lá : sáma-sámang pagbili nang pakyawan; tumutukoy din sa sáma-sámang pag-aari ng isang lupa o bukid
bór•las 1: palamuting palawit ng kuwintas o galáng 2: anumang palawit na mga sinulid, pisi, o kordon na ginagamit na palamuti sa balabal, sombrero, at katulad
bor•náy : tapáyang yarì sa luad, buhangin, abo, at pinong graba; malaki at matambok ang katawan; at makipot ang bunganga
bó•ron 1: element na hindi metaliko, laging may kasámang borax, boric acid, at katulad, at kristalina ang anyo kapag kinuha mula sa compound (atomic number 5, symbol B) 2: sa seramika, ang tao na nagsasáma-sáma ng mga bagay