Bootes (bu•ú•tez) : ang tagapastol, hilagang konstelasyon sa pagitan ng Ursa Major at Serpens at kinabibilangan ng maningning na bituing Makapanis
booth (búth) 1: maliit na kompartamento at karaniwang para sa pansariling gamit 2: maliit o pansamantalang puwesto upang maitanghal o maipagbilí ang mga paninda, gaya ng mga nása eksibisyon
bó•pis : putaheng may bagà, atay, at iba pang lamanloob ng baboy o báka, hiniwang maliit, at iginisa sa sukà, paminta, at bawang
borax (bó•raks) : pulbos o kristal (Na2B4O7•10H2O) na putî, natutunaw sa tubig, at karaniwang ginagamit sa paggawâ ng kristal, porselana, enamel, at katulad
bó•ray-bó•ray : patíng na karaniwang lumalakí nang 2.4 m, malakí ang ulo, at patulis ang dakong buntot
bór•bor 1: lagyan ng pinong paminta o asin ang pagkain; ihalò ang pinong buhangin sa semento 2: mag-ambagan para sa gastos