bo•ók 1: pagpatay sa isang tao sa pamamagitan ng pagpútol ng ulo 2: pagtapyas sa isang dulo ng niyog para kunin ang lamán
booking office (bú•king ó•fis) : opisina o pook na pinagdaraanan o binibilihan ng tiket sa mga sasakyan, palabas, loterya, at katulad
bookmark (búk•mark) : anumang piraso, karaniwang karton, at ginagamit na pantanda sa pahina ng libro at katulad
book review (búk re•vyú) 1: masusing paglalarawan at pagsusuri sa isang aklat 2: bahagi o pahina sa pahayagan o magasin na kinapapalooban ng nasabing artikulo
bo•ór•ro•wíng : uri ng tordo (Brachypteryx montana) na karaniwang matatagpuan sa bundok, maitim ang balahibo ngunit may tíla putîng kilay