ba•háy-ba•há•yan : laro ng mga batà, nagkukunwang isang pamilya ang mga naglalaro at ginagampanan ang tungkulin ng amá, ina, anak, at ibang miyembro
bá•hay-puk•yú•tan : estruktura ng mga hanay ng cell na gawâ sa pagkit, may anim na gilid, at nililikha ng mga pukyot upang pag-imbakan ng kanilang mga itlog, pulut, at pollen