baguette (bá•get) 1: mahabà at makitid na tinapay 2: bató ng hiyas na hugis parihaba 3: maliit na molde, hugis kalahating-bilog.
bá•gum•bá•yan 1: pook na katatatag pa lámang upang pamayánan ng tao 2: dagat o gubat na tinambakan ng lupa.
ba•gum•bóng 1: maliit na hayop na sumisirà ng mga kahoy sa pamamagitan ng paghungkag sa loob nitó 2: bumbong na ikiran ng sinulid na panghabi.
bá•gum•bú•hay 1: pagpapanibagong anyo, ayos, o simula ng kabuhayan matapos dumaan sa mga kasawian 2: pagkaligtas sa mapanganib na sakuna.
ba•gun•tá•o 1: laláking pumapasok sa yugto ng pagi-ging binata 2: báka o kalabaw na malaki na ngunit hindi pa maaaring ipang-araro, ipanghila, o masakyan.