ba•ha•là 1: salitang-ugat ng pamamahalà 2: responsabilidad o pananagutan 3: taong responsable 4: karaniwang dinudugtungan ng na at nagpapahiwatig ng pagtanggap sa maaaring mangyari; mangyari na ang mangyayari 5: sandaang milyon.
ba•ha•lí•na : tubâ na nilagyan ng barok, pinatanda, at mga dalawang araw na kayâ mapait-pait at maasim-asim ang lasa
ba•háw 1: hilóm o magalíng na ang sugat, lamat, at katulad na pinsala 2: kung sa tinig, paos1 o malát
bá•hay 1: kubo, gusali, o katulad na ginagamit na tirahan ng isa o ilang mag-anak 2: kanlungan ng ilahas na hayop 3: natural na pambálot, gaya ng talukab ng mollusk, upang magdulot ng proteksiyon sa hayop 4: gusaling inilaan para sa isang gawaing pangmadla 5: angkan, kasáma ang mga ninuno at kamag-anak