bul•ne•rá•ble 1: madalîng masaktan o masugatan 2: lantad sa moral na pagbatikos, kritisismo, tukso, at katulad 3: madalîng lusubin o salakayin
bú•lo 1: tíla balahibong nakapagkit sa haláman at bunga, malimit nagdudulot ng katí 2: salitâng-ugat ng kabuluhan
bú•log 1: birilidád 2: pagpapalahi sa alagang hayop 3: sa Quezon, matsíng 4: gupit ng buhok 5: laláking hindi kapon
bu•lók 1: may taglay na malubhang sakít o pinsala 2: a hindi sariwa at karaniwang may mabahong amoy gaya ng bugók na itlog b kung sa kahoy, gapók c kung sa tao, mahina o mapuról ang ulo 3: may masamâng katangian kung susukatin sa pamantayang moral, panlipunan, o pampolitika