bu•tan•díng : itinuturing na pinakamalaking patíng sa buong mundo (Raincodon typus) na luma-laki nang 11-18 m, mangitim-ngitim na may mga bátik na putî ang kata-wan, hindi itinuturing na mabangis, at may pook panginainan sa Donsol, Sorsogon
bú•taw 1: halagang kailangang regular na bayaran, lalo na sa pangkat o samaháng kinasasaniban 2: bayarín 3: sa pusoy, barahang walang maipapareha 4: pagbitaw sa isang bagay o paghinto sa ginagawâ 5: ambag para maka-bili ng isang bagay
bu•tá•win 1: halagang ginamit na puhunan, ginastos, o ibinayad 2: pagdaan sa makipot na daan 3: pagsunong ng mga banga 4: pagmumulâ sa isang pook 5: pagpapása ng pagkakautang, hal si Juan na may pagkakautang kay Pedro ay ipinasa kay Pedro ang kaniyang pagkakautang kay Francisco
but•bót 1: masusing pagsisiyasat at paghalughog ng mga sisidlan, bungkos, at katulad 2: butingting 3: huni ng kuwago at bahaw 4: paghukay sa libíngan 5: pagkatuklas sa lihim 6: bungkal2 o pagbungkal 7: pagkakalat sa bolobor 8: paglalakad nang napakabilis, suba-lit ginagamit sa negatibong paraan, hal “Anong di mo ikabutbot?” O Bakit hindi ka magmadali?
but•bút-ku•wáw : uri ng maliit na kuwago (Otus megalotis) na may tíla taingang balahibo sa magkabilâng itaas ng matá