bu•tól 1: umbok sa rabáw na nagdudulot ng pagkawala ng kinis 2: buhol ng lúbid o sinulid 3: nakaumbok na bahagi ng talampákan ng manok 4: pantál1
bu•tó•nes : maliit na disk na itinatahi sa damit upang maging pansara nitó sa pamamagitan ng pagsusuot sa bútas
bu•tó•nes-bu•to•né•san : tuwid at sanga-sangang yerba (Gomphrena globosa), may eliptikong dahon na 10 m ang habà at mabalahibo ang gilid, at may bulaklak na tíla globo at ku-lay putî, dalandan, o morado
bú•tong-bú•tong 1: isang uri ng punòngkahoy na may magandang uri ng kahoy 2: makunat na kendi na gawâ sa arnibal at gatâ