bú•til 1: maliit at matigas na butó ng halámang gaya ng mais, palay, at trigo 2: maliit, binilog, at pinikpik na masa ng isang bagay 3: pinakamaliit na posibleng laki o dami ng isang bagay, gaya ng buhangin, ginto, at katulad 4: abalóryo 5: pildorás
bu•ting•tíng 1: labis na pagbusisi sa mga hindi mahalagang detalye 2: paghawak o paggawâ ng isang bagay na parang naglalaro lámang
bú•tit : malaking basket na hugis banga, gawâ sa mga patpat na silat-silat, at ginagamit na sisid-lan sa panghuhúli ng bálang
bu•tó 1: estruktura na bumu-buo sa kalansay ng vertebrate 2: matigas at panghugpong na tissue na tigib sa calcium, phosphate, at iba pang mineral 3: binhî1
bu•tó-bu•to•né•san : halámang damo (Eupherbia pilulifera) na mabalahibo, taunan kung tumubò, at bilóg at pulá ang maliliit na bulaklak