bá•law 1: tanglaw para sa isang tao na nása daan 2: báboy-babúyan1 3: alamáng 4: dagta ng apitong 5: dadyángan
ba•lá•wang 1: bútas sa lupa para tamnan ng binhi 2: pambungkal na yarì sa kawayan at bakal na ginagamit sa paghukay ng lupang tatamnan 3: balakáng
bá•law-bá•law : burong hipon, maliit na isda, o tinapa na sinangkapan ng lugaw, sukà, asin, at iba pang pantimpla
ba•láy 1: báhay1 2: bandilang panagisag sa itaas ng poste 3: kahoy o kawayang may lambat sa dulo at ginagamit sa pagsilò ng ibon 4: isang uri ng pamalò ng mga batà na yarì sa kawayan 5: paglalagay ng mga patpat na nakaayos nang pakrus upang paglutuan ang ibabaw nitó 6: paglalagay ng anuman sa dulo ng isang kahoy o kawayan
bá•lay 1: talaba na mahabà at malapad ang takupis 2: pagbibigay ng hatol para sa pagka-kasundo ng lahat ng mga kasali sa usapin
ba•la•yán 1: malakíng buslo na pinagsasalinan ng lamán ng maliit na buslo 2: ang pagsasalin ng palay mula sa maliit tungo sa malaking sisidlan 3: pag-aangat ng anuman gamit ang dulo ng tagdan